Sunday, September 5, 2010

Mapanirang Kaibigan

Kaibigan kita't katuwaang lubos
noong mga araw na ako ay kapos
maging noong araw na ako'y hikahos
gayundin nung araw na mayro'ng katuos

nakasama kitang walang pag ayaw
sa  luha't ligaya'y ikaw ang karamay
ang panghihinayang ay hindi sumungaw
sa iyong mukha't ni sa balintataw

hindi kahindikang isinasalansang
ang pagkabigla sa kapangahasan
na iyong inukit sa mga talastasan
na ikinahulog ko't ikinapintasan

sa anong dahila't ikina walang saysay
ang nangakaraang magandang samahan
na nagkamithiang makipag tagalan
ng pagkaka'bigang tapat at dalisay

mga paninira'y iyong ikinalat
sa mga pahayaga't mga lansangan
sa mga paarala't mga talastasan
na pawang kaliluha't gawa gawa lang

sa pagbabagong bigla't di katiyakang
pagkakabunot ng naging samahan
buhat sa pangakong di na nababak'san
ng pagkakahulma sa pagkaka'bigan..........